"Sarile Kong Pananaw"

Feb. 14, 2018

CHINA DEBT TRAP, Sri Lanka, Maldives, at ang Pilipinas...?

MALDIVES, ay mapipilitang isuko ang kanyang teritoryo dahil sa pagkakabaon sa utang sa China...ang utang na umabot sa $1.5 to 2 Billion dahil sa lumobong interes.

DEBT TRAPT, isa ito sa mga estratehiyang ginagawa ng Tsina upang sakupin ang mga mahihirap na bansa na may mga natural na yamang kalikasan at strategic ang lokasyon sa karagatan para sa komersyal at militar na layunin. Matatandaan din na ang kalapit bansa na SRI LANKA ay napilitan ding isuko ang kanilang major at strategic port o pier, ang Hambantota, nuong Disyembre 2017 bilang bayad sa kanilang pagkakautang ($1.12 Billion); at tatagal ang kasunduan sa loob ng 99 years.

Hmm...hindi malayong mangyari sa Pilipinas ang maibaon din sa utang, ang Sri Lanka at Maldives ay may utang lang na umaabot lang sa $1 to 2 Billion, paano na tayo na planong utangin ay $240B, opo, TWO HUNDRED FORTY BILLION DOLLARS.

Kung ikukumpara, ang Pilipinas ay nagkautang lang ng tinatayang $125 Billion sa loob ng 50 taon, muila 1965 - 2016.

Kapag natuloy, $240 Billion dollars, ay anung katiyakang mapupunta ito sa maayos na pamamahala at garantiyang kaya nating bayaran ito?

$240 Billion dollars, ano kaya ang prenda o kukunin ng China pag di na nakabayad? Lease ng Pilipinas sa loob ng 500 years? At syempre, ang mamahala ay ang mga intsik sa lahat ng yamang kalikasan at di malayong sa politkal na aspeto rin. Mukhang plano nga ni Digong na gawin tayong The Phillipines, Republic of China. Hindi pa nga ito nangyayari eh kinukuha na ang mga teritoryo natin sa WPS at Benham Rise, anu pa kaya kung baon ka na sa utang?

[Maldives, Aisa]
Massive debts threaten to force the Maldives to cede territory to China as early as 2019, former President Mohamed Nasheed said, warning that a flawed presidential election this year would lead to a Chinese takeover of the island nation.

"We can't pay the $1.5 to 2 billion debt to China," Nasheed told the Nikkei Asian Review in an interview in Sri Lanka. He argued that the Indian Ocean country, known mostly as a tourist destination, takes in less than $100 million a month in government revenue.

"Without firing a single shot, China has grabbed more land than the East India Company at the height of the 19th century," Nasheed said, alleging that the Asian economic powerhouse has taken over "16 islands already" under the Maldives' current president, Abdulla Yameen. "This land grab exercise hollows out our sovereignty," he argued. Nasheed did not provide any names of the islands he alleged China had taken.

Maldives, is located south-west of Sri Lanka and India in the Indian Ocean. Maldives is a cluster of almost 1,192 small coral islands that are further grouped across 26 naturally formed atolls. The population of Maldives is 394,451 (2012) and the nation has a density of 1324 people per square kilometer.

https://thediplomat.com/2017/12/sri-lanka-formally-hands-over-hambantota-port-to-chinese-firms-on-99-year-lease/

https://asia.nikkei.com/Politics-Economy/International-Relations/Maldives-faces-Chinese-land-grab-over-unpayable-debts-ex-leader-warns?n_cid=NARAN012

 

Feb. 13, 2018

HOW CAMBODIA silences oppositions using social media...the same template that was employed by Duterte during the last election, and is still being used to the present day to silence his perceived oppositions and enemies...

Click farm o kung tawagin natin ay cyber army (trolls). Simple lang ang modus operandi basta may budget.

1. May kontratadang (contracted) na mga websites na tagagawa ng fake news. Mga anonymous sites and layers of fly by night websites. Ito yung mga kinontrata ng ad agencies or PR firms. Hindi ko sasabihin na sina Nic Gabunada, Malou Tiquia, Pompee Lavina, et al.

2. May taga share, normally mga known individual accounts na may maraming followers...celebrities, bloggers, o mga bayarang journalist o pro-government writers o supporters. Hindi ko sasabihin na si Mocha, Sasot, RJ Nyeta, Tiglao, at iba pa!

3. May direktang ugnayan sa FB, nagbabayad ng advertising fee (kuno) upang iprioritise ang news feed ng mga pro-govenment accounts (ayon sa isang report, ang Cambodian government ay nagbabayad ng $15K daily sa FB). Ang PCOO-DDS kaya nagbabayad din? At magkano kaya?

4. May click farm, o attack group or army of trolls with multiple accounts upang dominahin ang anumang chat or forum upang mangharass ng mga legit users o oppositions to the government.

Modus:
Gamit ang multiple cell phones gaya ng nasa picture at may multiple FB accounts. Parang (NCCC Mall) call center lang ang set-up (Yun bang mall na nasunog sa Davao), ito yung puputaktihin ka ng negative comments (mura at panglalait), akala mo ang dami nila, yun pala isa o dalawang tao lang gamit ang ibat' ibang profile. Shifting din yan, sa isang shift mga 30 agents at kontratado o nakaempleyo sa isang hindi kilalang BPO mula sa ibang bansa.

Ang grupo ring ito ang taga mass report sa mga accounts na kumakalaban o negatibong comment sa gobyerno. Ayon sa isang report, may back door o direct line ang mga ito sa FB upang mabilis na maireport ang kalabang account upang masuspindi o ma-block ang kalabang profile.

Syempre, kasama na rin dito ay yung mga die-hard loyalist o supporters ng pangulo at ng natalong bise. Ayon na rin sa galawan sa FB, joint forces na ang D30-BBM online warriors dahil pareho din ang kinakalat o identical ang kinakalat nilang fake news.

At mga ibat' ibang local at international FB groups na nabuo ng mga supporters ni D30 at sa katagalan ay na-organisa na at naging network na pwedeng tinatawag nilan volunteer information network.

5. Sa laki ng binabayad sa FB na anyong advertising fee, mas malaki ang nakukuhang engagement o views ng mga government sponsored trolls (bloggers, websites) kaya dahan dahang pinapapatay ang mga legit o yung mainstream media news o hinuhule sa feed. Dahil nauunang ilabas sa news feed ang mga fake news at huli na ang mga legit media news.

Ito ang template na ginamit ng kampo ni Duterte nuong eleksyon at ginagamit hanggang ngayon upang makontrol ang persepsyon o public opinion.

Sa isang interview kay Nic Gabunada, inamin nito kung paano sila nag operate nung eleksyon at kung magkano ang nagastos nito. Kumakailan din ay mismong si Digong ang umamin pero sinabing nuong eleksyon lang daw. Sa laki ng intel budget ng Executive at PCOO...hindin nakakapagtakang namamagyagpag ang grupo ng mga fake news makers at mga taga kalat nito.

https://www.rappler.com/…/176615-duterte-online-defenders-t…

https://thediplomat.com/…/beware-dutertes-troll-army-in-th…/

 

[CAMBODIA]

Cambodian dictator Hun Sen has ruled since 1998, and when an opposition leader used Facebook to challenge his election in 2013, Hun Sen teamed up with a fake news outlet called Fresh News to deploy a Facebook-based strategy to consolidate his control and neutralize democratic opposition.

Hun Sen and his attack-dog media outlets became experts in Facebook's rules and enjoyed back-channel direct access to Facebook's terms-of-service enforcers, so they were able to force Facebook to terminate the accounts of anonymous opposition figures (for not using their "real names"), goad others into crossing Facebook's lines on civility and get their accounts terminated, and round up anyone who used their real names for arrest, torture, and disappearance.

At the same time, clickfarms in the Philippines and India started mass-liking Hun Sen's own posts -- just as Facebook was using Cambodia as a trial-site for the downranking of media outlets in personal newsfeeds, in favor of posts by individual accounts.

This killed what was left of the Cambodian opposition press, while Hun Sen's cyber-militia were able to spread his clickfarm-upranked messages to the whole country.

Allegedly, Hun Sen's cyber group is paying facebook $15K per day to prioritize its news feed. Leaving legit or mainstream media lesser exposure.

Jan. 30, 2018

ON FAKE NEWS, "those who have the loud speakers, would have the advantage, or if you have the resources, you have a better vantage point!" Quoting the essence of message from Maria Ressa, during the senate hearing on fake news.

Sa isyu ng FAKE NEWS: Alam nyo ba na kaya mas malawak ang pagkalat nito (fake news) sa Facebook ay dahil sa dalawang bagay?

UNA: Dahil libre ang access sa Facebook, ito o tinatawag na free data. Kahit prepaid ang gamit mo, kasama sa bundle ang access sa Facebook, kumpara sa ibang site tulad ng Twitter na may bayad ang (data) access. Karamihan sa tao o Filipino ngayon ay kumukuha ng ng news sa mobile phone, kaya mas madali ng maabot ng news o propaganda, at kasama na ang fake news.

PANGALAWA: Ang lumalabas sa news feed mo ay base sa algorithm o computer parameters, o ang rules na itinakda ng Facebook. Subukan kong ipaliwang ng simple: nag set ng utos sa computer ang facebook na una nyang ilalabas ang news site o blog na mayroong malaking followers. O di kaya, ay yung site na mayroong advertisement o yung nagbayad sa Facebook. Pwede rin, for example, ang isang gobyerno ay may deal sa Facebbok o ngabayad na unahin ang pagpublish ng kanilang site o content (artikulo). So pwede nating sabihin, na mauuna yung may pakinabang.

Ang problema sa algorithm, wala itong kapasidad na salain o malaman kung ang mga content o news ay isang FAKE NEWS o hindi.

Dito papasok ang mga tinatawag na moderators, mga tunay na tao na binabayaran ng Facebook, parang call center agents ang set-up. Trabaho nito na sipatin at alamin kung ang content ay tama ba sa community standards ng Facebook.

Yun lang, may limitasyon, dahil sa dami ng nag popost sa facebook, segundo lang ang magiging espasyo ng moderators para ikonsider kung ang content ay nag violate o aprub.

Ang pagkakaroon ng moderators (FB) ay bentahe pero maari ding disadbantahe. Dahil, mga tao rin ito at tagarito rin sa bansa sila, may masasabing biases din sila. Paano kung natapat sa isang moderator na maka-duterte at natapat din na pupulain ng post si Duterte? May posibilidad na gawin nyang SPAM para pigilan ito o i-suspend ang nag post (user). Ang ganitong obserbasyon ay pwede rin sa magkabilang panig.

Tama si Maria Resa ng Rappler at nakakatakot, "sinasadya ang pagbaha ng fake news, para malito ang publiko at mawalan na ng gana kung anuba talaga ang tutuo...sa ganitong sitwasyon ay mas nananalo ang may mas malaking resources.

Ang ibig sabihin ni Maria Resa, ay yung mga may intensyon na magpakalat ng fake news at handang gumastos para magtayo ng mga fake websites at blogs at magbayad ng mga network ng mga bloggers o propagandist, ang syang may bentahe.

Lumalabas din sa mga lehitimong pag-aaral at obserbasyon na ang karamihan sa mga fake news sa Pilipinas ay nanggagaling sa kampo o mga supporters ng gobyerno o ni Duterte. Maaring sabihin na walang kinalaman ang pangulo sa mga ito, pero malinaw na kwestyonable din na ang mga nagpapakalat mismo ay mga accredited bloggers ng gobyerno, tulad nila Mocha Uson, Rj Nieto, et al.

Sa Amerika nga mismo ay nagsisimula ng imbestigahan ang mga tinaguriang bots o mga robot pekeng accounts sa Twitter at Facebook, na hango ang mga profile sa mga tutuong tao, ngunit ninakaw o stolen identity. Itong mga fake accounts sa Twitter o Facebook, mga duplicate o stolen identity accounts ay binebenta bilang mga followers nang isang kumpanya sa mga pribadong indibidwal at maging sa mga interesanteng politiko o gobyerno.

Nagagamit ang followers bilang pamaparami ng kung tawaging sa tagalo o "pala." Kunwari ang daming naniniwala sa yo at tagasunod. Kung mas marami kang pera, mas marami kang mabibiling bots o followers. Impluwensya o pang akit sa publiko na kapanipaniwala o integridad dahil mas marami kang followers, lumalabas na may integridad ka.Yung lang, nagagamit sa propaganda o panlilinlang.

Hindi pa kasama rito ang mga tinatawag na TROLLS, o yung mga upahang tao na parang nasa call center, o mga paid agents na ang tutuong mandato ay "CYBER WARRIORS" o mandirigma o defender ng isang insitutusyon o isang grupo, pulitiko, o gobyerno!

 

https://www.nytimes.com/2018/01/27/technology/schneiderman-social-media-bots.html

https://www.rappler.com/nation/148007-propaganda-war-weaponizing-internet

https://www.rappler.com/newsbreak/148536-facebook-algorithms-impact-democracy?utm_source=twitter&utm_medium=social&utm_campaign=newsbreak

 

Jan. 26, 2018

"We have been clamoring to stop the killings...maybe, we shoud start changing tact, " #StoptheKillings and #StopTheKillers." It may resonate as a rhetoric or a slogan...

“Duterte won only a 38 percent “pluralistic victory,” and that there are about 60 percent who did not want him to be their president," said Phelim Kine, Human Rights Watch​.

I agree, the real question is, what happened to the 60% Filipinos who did not vote for him? Have we lost our voices? Have we succumbed to our selfish old self, that "it will not happen to me," until...it hits home?

The usual slogan (template) of this regime is, "you voted for me, so you must have trusted me," and the usual byline would be "since majority voted for me, I assume that this is concurrence of what I will do for this country." WRONG! Again, Duterte was voted only by 38% or call it pluralistic victory, secondly, the vote does not give Duterte a "continuing concurrence" or license in anything and everything that he will do. Using their own words, "a Duterte candidate is different from Duterte the president." We, the people or at least the 60% has all the rights and guarantee under our consitution to exercise our freedom, freedom to dissent and freedom to be critical of this government.

We can only be considered citizens if we assert our rights and actively participate in the affairs of the government; using our God given gift, our voices. Words and language do matter, quoting Marie Howe, "You are so naïve, you think evil is going to come into your houses wearing big black boots. It doesn’t come like that, look at the language. It begins in the language."

Hence, we the 60% who did not vote for him, must be critical and vigilant in anything and everything this regime is doing. As we always say, silence means yes, or a tacit approval. We must exercise our rights to dissent, to speak our minds, to protest, and go to the streets if necessary to air our voices. Quoting Atty Florin Hilbay, "freedom are like muscles, we must exercise it."

I say, you don't use it (freedom), you lose it.

http://thefilam.net/archives/26469 

Jan. 23, 2018

KWENTO NG ISANG MAMAMAYAN, ay maaring maging kwento ng isa sa atin...o hindi malayong mangyari ito sa atin.

Sa aming lugar, maraming pinapatay...mga suspected drug users at pushers; walang proseso, walang aresto, basta pinapatay na lang. Sabi ng mga pulis, "nanlaban daw," kung minsan naman mga nakamaskara di kilalang kalalakihan na naka motor ang pumapatay.

HINDI AKO NABAHALA, kasi hindi naman ako nagdodroga...

Isang araw nabalita na yung bahay ng isang meyor sa malayong lugar, pinasok ng mga pulis, pinagpapatay ang mga tao sa loob, involved daw sa droga...kasama raw yung meyor sa narco list.

HINDI PA RIN AKO NABAHALA, seguro may basehan yung narco list ni Digong...

Hnaggang isang araw, may naganap na namang patayan, pinasok ng mga nakamaskarang kalalakihan yung katapat naming bahay; may nagkakatuwaang mga teenagers at nag-iinuman. Nagulantang ang buong barangay dahil pinutukan ang mga bata...ayon sa isang saksi, nakita nyang nilagyan ng sachet ng shabu ang isang batang napatay.

MEDYO NABAHALA NA AKO, kilala ko ang mga kabataan na ito, hindi nagdodroga at mga estudyante, at bakit nakamaskara ang mga bumaril? Sabi ng mga pulis, malamang napagkamalan lang daw ang mga ito...

Dagdag pa ng sumunod na gabi, ay nagsagawa ang mga pulis ng paggalugad sa aming lugar...at resulta, napatay ang isang bata na kinuha ng mga pulis at dinala sa isang tagong lugar at pinatay. Nabasag dito ang katahimikan ng bayan at sumigaw ng "Justice for Kian!"

Ang mga sumunod pang pangyayari, may dalawa pang kabataan ang napatay. Yung isa nanlaban daw at nangholdap, yung isa naman ay mukhang na "salvage." Ngunit' sa huli lumabas na kagagawan ng mga pulis. Tawag nga ng media at CHR dito ay EJK.

NAGSIMULA NG MAGTANONG ang isip ko...binubusise ko na ang mga nababasa ko online...napansin ko ang pagkakaiba ng mga balitang lumalabas sa mga site na nagtatangol sa gobyerno ay walang link puro memes. Kung mayroon naman ay hindi kilalang website.

TUTUONG NABABAHALA NA AKO, kaya nagsimula kong mapansin ang ibang news site...ang ibang mainstream media at ang Rappler. Napansin ko ang masusing pagtalakay sa mga ibinabalita at verifiable ang mga sources. Ibig sabihin may katotohanan.

UNTI-UNTI NG NAGKAKABOSES ang aking isipan at dumarami pa kami na tumatangkilik sa katotohanan...may boses na ang mamayan!

Ngunit' Isang araw, galit na galit ang presidente sa Rappler, kunsabagay galit din sya sa ABS-CBN, Inquirer...pero mariin ang galit nya sa Rappler. Wala kasing tigil ang Rappler sa pagpapahayag ng kasinungalingan ng gyera sa droga ng pamahalaan! At wala rin namang tigil ang paninira sa Rappler ng mga sites o bloggers na nasa Malakanyang.

Hanggang dumating nga ang araw, na ginantihan ng pamahalaan ang boses ng mamayan, hinanapan ng butas at pinasasara ang operasyon ng Rappler. Wala daw kinalaman ang palasyo, pero ang may utos ng imbestigasyon ay si SolGen Calida, at matapos iutos ng SEC ang pagsasawalang bisa ng certificate to operate, ay agad kumilos din ang NBI at nagpatong pa ng panibagong kaso! Nagtulong-tulong ang Sol-Gen, SEC, NBI, tapos sasabihin walang kinalaman ang palasyo...weeehhhh, di nga?

MAARING MARAMI PA sa atin ang hindi nababahala...

PERO kung ang isang boses ng katotohanan ay pinipigilan tulad ng isang malayang instrumento na tulad ng media ay mabubusalan...ano pang katotohanan ang makararating sa mamayan? Propaganda at kasinungalingan na galing sa pamahalaan?

DAPAT NG MABAHALA, dahil ang pagkitil sa malayang pamamahayag ay pagkitil sa katotohanan, sa boses ng mamayan! Karapatan ng mamayan na mamili ng kanyang pakikinggan...magbusisi kung ano ang tutuo sa kasinungalingan.

Kung pati ang ating karapatang pumili ay lilimitahan lamang sa mga tagapagpahayag na pumapabor lamang sa pamahalaan, ANONG KALAYAAN MAYROON PA TAYO?

By: Lodelico John Protasio Sy